‘No mixed’ policy sa mga dormitory sa Maynila ipinatutupad – Lim
MANILA, Philippines - Tiniyak ni Manila Mayor Alfredo S. Lim na mahigpit ang pagpapatupad ng ‘no mixed’ policy sa mga dorÂmitory matapos na isagawa ang inspeksiyon at monitoring kung sumusunod sa patakaran ang mga may-ari nito.
Ayon kay Lim, batay sa report na isinumite ni city administrator Jay Marzan, ang mga may-ari at namamahala sa mga dormitories, boarding houses at iba pang establisimyento tulad nito ay inabiÂsuhan na hinggil sa pagbabawal ng pagsasama ng mga male at female boarders.
Sinabi ni Marzan, maÂtagal nang polisiya ang ‘mixing’ sa mga dormitory dahil iniwasan ang anumang insidente na magkaroon ng relasyon ang male at female boarder.
“May mga magulang na ipinangungutang pa ang perang pampaaral sa kanilang mga anak, nagbebenta ng kalabaw, ng lupa para lang maipasok sa Maynila ang kanilang mga anak. Eh kung ilalagay mo sa isang dormitory na halo ang babae sa lalaki, nandiyan nga naman ang posibilidad na makipagligawan ’yan at baka di makatapos ng pag-aaral,†ani Marzan.
Giit ni Marzan, maaaring ireport ng mga estudyante sa City Hall ang mga establisimento o dormitory na lumalabag sa polisiya.
Samantala, sinabi naman ni Lim na may sapat nang koordinasyon sa Manila Police District hinggil sa paglalaan ng pulis sa palibot ng mga paaralan upang matiyak ang peace and order.
Tiniyak din ng alÂkalde na may sapat na traffic enforcers mula sa the traffic bureau ni Supt. Reynaldo Nava at Manila Traffic and Parking Bureau chief Nancy Villanueva upang maiwasan ang pagsisikip ng daan.
Kaugnay nito, sinabi rin ni Dr. Ponciano MenguitoÂ, division of city schools supeÂrintendent na walang kakulangan sa classroom sa panunungkulan ni Lim maÂtapos nitong dagdagan ang pagpapatayo ng iba pang mga classroom.
Tinatayang aabot sa 300,000 estudyante ang inaÂÂasahang dadagsa sa 71 public elementary at 32 high schools ngayon.
Mayroon ding 485 day-care centers para sa mga pre-schoolers habang libÂreng kolehiyo sa Pamantasan ng Lungsod Maynila, na pinamumunuan ni Atty. Rafaelito Garayblas at Universidad de Manila (City College of Manila) sa pamumuno ni Atty. Solfia Arboladura.
- Latest