^

Metro

1,780 estudyante nabiyayaan ng libreng paaral ni Joy B

Angie­ dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa 1,780 na mga mag-aaral ang napagtapos ng tanggapan ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte  sa ilalim ng Commission on Higher Education (CHED) Special Study Grant Program­.

Ayon kay Vice Mayor Belmonte, ang naturang mga benepisyaryo ng programa ay mga deserving students na nagmula sa mga mahihirap na pamilya na patuloy na kinakalinga ng tanggapan.

Sa District 1 ay may 309 students ang nakinabang sa programa, 875 sa District 2, 5 at 6, 296 mag-aaral ang nabenepisyuhan sa District 3 at 300 students sa District 4.

Ang mga ito ay pawang paaral sa college at iba pa anya ang bilang ng mga nakinabang din sa programang libreng paaral sa high school.

Sinabi ni Belmonte na mula nang maupo siya bilang bise alkalde sa lungsod noong 2010 hanggang sa kasalukuyan ay ipinagpa­patuloy nila ang nasimulang programang pang edukasyon sa mga less fortunate na kabataan upang makapag­tapos ang mga ito sa pag-aaral at tuloy magamit nila ang edukas­yong ito sa pag­bangon nila sa buhay.

AYON

BELMONTE

HIGHER EDUCATION

QUEZON CITY VICE MAYOR JOY BELMONTE

SA DISTRICT

SINABI

SPECIAL STUDY GRANT PROGRAM

VICE MAYOR BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with