Police asset itinumba ng tandem
MANILA, Philippines - Patay ang isang umano’y police asset habang isang babae rin ang sugatan matapos tamaan ng ligaw na bala buhat sa pamamaril ng riding-in-tandem suspect sa una sa Payatas Road, lungsod Quezon.
Si Roel Toraba, ay namatay noon din at duÂguang humandusay kaÂsama ng kanyang motorÂsiklo, ayon kay SPO2 Jogene Hernandez, may-hawak ng kaso.
Ginagamot naman sa ospital si Cherry Lantaca, 37, matapos na tamaan ng ligaw na bala sa kanyang kanang balakang.
Ayon kay Hernandez, ang mga suspect na kapwa nakasuot ng helmet ay mabilis na tumakas sakay ng kanilang motorsiklo makaraang tambangan ang biktima.
Nangyari ang insidente sa may Payatas Road, corner Maginoo St., malapit sa Payatas Elementary School, Brgy. Payatas, ganap na alas-10:25 ng gabi.
Ayon sa barangay tanod na si Rogelio Valiente, nagpapatrulya sila nang makatanggap ng tawag na may naganap na pamamaril sa nasabing lugar.
Agad nilang pinuntahan ang lugar, kung saan naÂabutan na lang nila si Toraba habang duguang nakahandusay sa kalye katabi ng kanyang motorsiklo.
Sabi ni Hernandez, base sa panayam nila kay Lantaca na naka-confine sa ospital, naglalakad umano ito sa Payatas Road nang marinig ang sunud-sunod na putok ng baril sa naÂsabing lugar.
Ilang sandali pa ay nakita niyang may lumabas na dugo mula sa kanyang kanang balakang.
Ayon pa kay Hernandez, ang nasawi umano ay dating nagbibigay impormasyon sa pulisya hinggil sa mga nagtutulak ng iligal na droga.
Dahil dito, pinalalagay ng opisyal na posibleng maraming nakabanggang tao na may kinalaman sa iligal na droga ang biktima kung kaya ito pinaslang.
Gayunman, nagsasagawa pa rin umano sila ng malalimang imbestigasÂyon kaugnay sa nasabing insidenteÂ.
- Latest