^

Metro

Lalaki nagbigti

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang lalaki na umano’y nagkaroon ng sakit sa pag-iisip dahil sa umano’y dating paggamit ng iligal na droga ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa kanyang sarili sa lungsod Quezon, kamakalawa. Kinilala ang nasawi na si Dwayne Tapao, 21, residente Brgy. Quirino 2-A, Project 2, sa lungsod. Ayon kay Balbuena, patay na nang matagpuan ang biktima ng kanyang kapatid na si Dave sa loob ng kanyang kuwarto, ganap na alas-3 ng hapon. Ginamit ng biktima ang tali ng isang bag na pinalupot niya sa kanyang leeg saka itinali at ibinitin sa may kisame. Nabatid ng imbestigador mula sa pamilya na ang biktima ay naging drug user ito hanggang sa magkaroon ito ng sakit sa pag-iisip. Dahil dito, paulit-ulit umanong dinadala si Dwayne sa isang mental institution at  kasalukuyang nasa ilalim ng gamutan. Nitong nakaraang Sabado, nagpagala-gala umano ang biktima sa kalsada sa pag-asang mabangga ng sasakyan dahil nais na umano nitong mamatay pero napipigilan hanggang sa matagpuan na nga itong nagbigti na lamang.

vuukle comment

AYON

BALBUENA

BRGY

DAHIL

DWAYNE

DWAYNE TAPAO

GINAMIT

ISANG

KINILALA

NABATID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with