Zero crime, target ng NCRPO sa pasukan
MANILA, Philippines - Target ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) na makapagtala ng “zero crime incident†sa bisinidad ng lahat ng paaralan sa Metro Manila ngayong darating na pasukan sa Hunyo 3.
Ito ang ibinilin ni NCRPO Director Leonardo Espina sa lahat ng kanyang District Directors, Chief of Police at Station Commanders. Inatasan ni Espina ang mga ito na umpisahan nang ipatupad ang binuo nilang “security plan†para sa mga paaralan upang matiyak na mabawasan kung hindi man lubusang matanggal ang mga krimeng nagaganap kapag pasukan.
Ang paalala ni Espina ay kasunod ng napaulat kamakailan na pagkakaroon ng sindikato na dumudukot ng mga paslit upang ibenta o ipagbili ang mga lamang-loob. Bukod sa paghabol sa mga kriminal, sinabihan rin ni Espina ang mga opisyal na imoÂnitor ang presyo ng mga bilihing “school supplies†at ipatupad ang mga batas sa koordinasyon sa Department of Trade and Industry.
Ngayong taon, nais ni Espina na magkaroon ang mga Police Assistance Desk ng mga kagamitan para sa “public address system†upang makatulong sa mga school administrator, paglalagay ng tarpaulin na nakasulat ang pangalan at contact numbers ng mga pulis na nakatalaga dito.
- Latest