Mid-year bonus pagkakaloob sa mga empleyado ng QC Hall
MANILA, Philippines - Upang may magamit na panggastos ngayong paÂsukan sa pagpapaaral sa mga anak, ipinag-utos ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na ipagkaloob ang mid-year bonus ng mga empleyado ng Quezon City hall ngayong panahon ng enrollmentÂ.
Inatasan ni Mayor BauÂtista ang city budget, accounting at treasury departments na ipalabas ang naturang pondo ng hindi lalampas ng May 30.
Ang mid-year bonus ay kasinghalaga ng kalahati ng basic monthly salary ng mga empleyado at dagdag na 50% cash gift na may halagang P2,500.
May mahigit sa 5,000 elective at appointive reÂgular plantilla city-paid personnel ang tatanggap ng naturang benepisyo.
- Latest