2 Purok leader pinagbabaril:1 patay, 1 sugatan
MANILA, Philippines - Patay ang isang purok leader habang suÂgatan ang kapwa nito purok leader nang barilin ang mga ito ng dalawang kalalakihan na naka motorcycle riding in tandem kamaÂkalawa sa Caloocan City.
Dead on the spot sanhi ng tama ng bala sa kaliwang leeg ang biktimang si Manny Cope, 45, residente ng Phase 1, Bagong Silang ng naturang lungsod habang ginagamot naman sa East Avenue MeÂdical Center sanhi ng tama ng bala sa kaliwang braso si Gilberto Suarez.
Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga pulis laban sa mga suspect at inaÂalam pa ang pagkaÂkiÂlanlan ng mga ito.
Sa inisyal na imbesÂtigasyon ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-3:00 ng hapon sa Phase 1, Bagong Silang ng naturang lungsod.
Nabatid na nag-iinuman ang mga biktima sa tapat ng bahay ni Cope nang dumating ang mga suspect na kapwa naka-helmet at binaril si Cope.
Tumagos ang bala at tumama kay SuaÂrez na naging dahilan upang dalhin ito sa naÂbanggit na ospital at matapos ang paÂmaÂmaril ay mabilis na tumakas ang mga susÂpect sakay ng motorsiklong hindi na nakuha ang plaka.
Inaalam na ng mga pulis kung may kaugnayan ang insidente sa katatapos lang na halalan.
- Latest