^

Metro

‘No Clean-up, No Proclamation’ sa mga kandidato -- MMDA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Planong ipanukala ng Metropolitan Ma­nila Development Autho­rity (MMDA) sa Commission on Elections (Comelec) na magpa­labas ng polisiya na “no-clean up, no proclamation” para sa mga kandidato na tatakbo sa mga susunod na halalan.

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino, na muli siyang dudulog kay Chairman Sixto Brillantes ma­­karaang muling tu­­mambad ang tone-toneladang basura na iniwan ng mga kandidato at kanilang mga tagasuporta sa mga paaralan at mga presinto.

Kailangan umano na magkaroon ng pag­kukusa ang lahat ng kandidato sa pagwalis sa kanilang mga ba­­sura tulad sample ballots na ipinamimigay sa mga bukana ng mga paaralan, mga ikinabit na mga tarpaulin lalo na ang mga idinikit na mga posters na pinakamahirap tanggalin.

Bukod dito, ipinanukala rin ni Tolentino na hingian ng Come­lec ng “cash bond” ang mga kandidato na hindi iba­balik kapag hindi nilinis ng mga ito ang mga basura at campaign materials nila makaraan ang halalan.

Isinagawa ni Tolen­ tino ang mga rekomen­dasyon kahit na ibinasura ng Korte Suprema ang inirekomenda nila sa Comelec na ekstensyon ng “liquor ban”.

Kahapon, inumpi­sahan na ng mga tauhan ng MMDA ang paglilinis sa mga pre­sinto, pader at mga kalsada.Binabasa muna ng tubig ang mga posters na nakadikit sa mga pader bago baklasin ang mga ito. Plano ng MMDA na i-recycle ang ibang mga campaign materials na mapapakinabangan pa upang hindi makadagdag sa basura ng Kamaynilaan.

Sinabi rin ni Tolentino na sinadya nilang piliin muna na unahing linisin ang mga lugar o lungsod na nagkaroon na ng proklamasyon ng mga nanalo upang hindi mapulaan ng pamomolitika.

Bukod sa mga tumakbong politiko, na­na­­wagan ang MMDA sa mga opisyal ng barangay at sa publiko na magtulungan sa paglilinis sa mga paaralan lalo na at nalalapit na ang pasukan sa dara­ting na Hunyo.

 

BUKOD

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

COMELEC

DEVELOPMENT AUTHO

KORTE SUPREMA

METROPOLITAN MA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with