^

Metro

Pulis itinuturong holdaper sa FX

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang pulis na naka­talaga umano sa Pate­ros-Southern Police Dis­trict ang sasampahan ng reklamong robbery (hol­dup) sa piskalya ma­karaang kilalanin ng kanyang biktima sa photo gallery ng Manila Police District (MPD) na humoldap sa isang pampasaherong FX taxi, sa bahagi ng Taft Avenue sa Ermita, noong naka­ raang linggo.

Positibong itinuro ng biktimang si Lorna Calimag, 47, isang Over­seas Filipino Worker (OFW) sa file na may li­trato si “PO3 Abraham M.”, SPD-Pateros Police.

Sa ulat ni SPO1 James Poso, ng MPD-General Assignment Investigation Section, dakong alas-8:15 ng gabi noong Mayo 6, nang sumakay ng FX Taxi si Calimag sa likurang ba­hagi ng sasakyan, habang nasa tapat naman nito na nagkunwaring­ pa­­sahero umano ang sus­pect at dalawa pang kasamahang holdaper.

Habang binabaybay­ ang Taft Avenue, Ermita ay bumunot ng pa­­­talim ang suspect at nagdeklara ng holdap at nilimas ang kanyang­ dalang IPhone 4s na nagkakahalaga ng P30,000.00; dalawang silver bracelet na aabot sa halagang P8,000.00; singsing na ginto na may bril­yante na nagkakahalagang P10,000.00; Polo wrist watch na aabot sa ha­lagang P1,500.00 at cash na P40,000.00, ha­­bang nakulimbat din ng dalawang lalaki, na  kasama­han ng pulis ang iba pang mahala­gang gamit ng mga pasahero, saka mabilis na umes­kapo.

Ipatatawag naman ang pulis upang papagpaliwanagin.

vuukle comment

ABRAHAM M

ERMITA

FILIPINO WORKER

GENERAL ASSIGNMENT INVESTIGATION SECTION

JAMES POSO

LORNA CALIMAG

MANILA POLICE DISTRICT

SHY

TAFT AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with