^

Metro

High school student, nagpasabog sa cr ng isang mall, sumuko

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sumuko sa mga awtoridad ang isang 15-anyos na binatilyo na umaming siya ang nagpasabog sa comfort room sa ikatlong palapag ng Divisoria mall, sa Binondo, Maynila  noong nakalipas na Biyernes.

Wala namang napaulat na nasugatan dahil mahinang pagsabog lamang.

Nabatid na isinuplong ng kapitbahay ang suspect na itinago sa pangalang “Choi”, high school student sa hindi binanggit na Chinese school sa Sta. Cruz, Maynila,  na marunong umanong gumawa ng pampasabog o improvised explosive device o IED.

Inamin ng suspect na gumamit siya ng kemikal sa paggawa ng bomba, bagamat hindi na nakipag-usap pa ang suspect at magulang sa mga pulis at humiling na huwag banggitin sa media ang kanilang pangalan, tirahan, maging ang eskwelahan na pinapasukan nito.

Isasailalim naman sa counseling ng Women and Children’s Protection Desk at Manila Department of Social Welfare.

Inamin din nito na ti­nangka din niyang pasabu­gin ang paaralang pinapa­sukan, pero naging mahigpit ang seguridad dito. May impormasyon na depressed ang binatilyo dahil sa pagpanaw ng nobya.

vuukle comment

BINONDO

BIYERNES

CHOI

CRUZ

INAMIN

MANILA DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE

MAYNILA

PROTECTION DESK

WOMEN AND CHILDREN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with