^

Metro

‘Akyat-bahay’ nakuryente, patay

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang lalaki na hinihinalang miyembro ng ‘Akyat bahay gang’ ang nasawi matapos na makuryente sa nilooban nitong pribadong compound sa Taguig City kamakalawa.

Matigas at isa nang malamig na bangkay makaraang matagpuan ang biktimang  si Mandy Lopena, 21, ng Brgy.  Bagumbayan, ng naturang siyudad.

Sa naantalang report na nakarating kahapon sa tanggapan ng Taguig City Police natagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng pribadong compound na pag-aari ng isang nangngangalang Cornelio Tanyo­, na matatagpuan sa Santo Niño St., Holy Fa­­mily Village, Brgy. Bagumbayan ng naturang lungsod.

Ayon sa pagsisiyasat,  nabatid na tinangka umano ng biktima na akyatin ang mataas na bakod patungo sa private compound ni  Tanyo nang aksidenteng mahawakan nito ang kawad ng kuryente na nasa ibabaw ng pader.

Dahil sa lakas ng boltahe nahulog mula sa mataas na bakod  ang biktima matapos itong makuryente na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Ayon sa record ng pulisya, nabatid na ang biktima   ay sinasabing sakit umano ng ulo sa kanilang barangay dahil sa maraming beses na umano itong nasasangkot sa kaso ng nakawan.

vuukle comment

AYON

BAGUMBAYAN

BRGY

CORNELIO TANYO

HOLY FA

MANDY LOPENA

SANTO NI

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with