Ginang binoga sa loob ng tindahan
MANILA, Philippines - Tatlong bala mula sa kalibre .45 baril ang tinamo sa ulo at leeg ng isang 36-anyos na ginang nang pagbabarilin ng isang lalaking nagpanggap na kostumer sa kanyang sari-sari store sa Baseco, Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Dead-on-arrival sa Gat Andres Bonifacio MeÂmoÂrial Medical Center (GABMMCÂ) ang biktimang si Jenalyn de Mesa CenaÂrillos, ng Block 8 Ext., Baseco compound, Port Area, Maynila.
Blangko pa ang mga awtoÂridad sa pagkilanlan ng suspect na nakasuot umano ng itim na jacket at armado ng baril.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-6:00 ng gabi nang maÂganap ang insidente sa loob ng tindahan ng biktima, na nasa harapan ng kanyang bahay.
Nauna rito, nagpanggap na kostumer ang suspect na bumili pa ng candy sa biktima at nang iaabot na ng ginang ang binibili nito ay agad na itong pinaputukan sa ulo ng suspect.
Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspect sa madilim na bahagi ng Block 6 sa Baseco.
Narekober sa crime scene ang dalawang basyo ng kalibre .45.
Ang pangyayari ay nasakÂsihan ng live-in partner ng biktima na si Renato CaÂnellad, na nagsabing wala siyang alam na dahilan kung bakit binaril ang kanyang misis.
- Latest