^

Metro

Pulis, 1 pa itinumba sa QC

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang pulis at kasama nito ang iniulat na na­sawi makaraang pagbabarilin ng hindi nakikilalang mga sa­larin habang ang mga una ay umiinom ng alak sa isang tindahan sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat, nakilala ang mga biktima na sina PO2 Zalde Elumba, 32, at  ang kasama niyang  si Reynaldo Tapay.

Agad namang tumakas ang nasabing mga suspect matapos ang naturang pamamaril.

Nangyari ang insi­dente sa harap ng Rolits Sari-Sari Store & Bakery na mata­tagpuan sa Doña Ro­sario St., Novaliches Town Proper­ sa lungsod.

Bago ang insidente, sakay umano ng kanilang motorsiklo ang dalawang biktima at huminto sa nasabing tindahan para mag­happy-happy at uminom ng alak.

Ayon kay Edigerio Vico, helper ng tindahan, umorder umano ng beer ang mga biktima at pabalik na siya sa loob ng tinda­han nang marinig ang mga putok ng baril, dahilan upang agad siyang bumalik sa labas at tingnan ito.

Dito na niya nakita ang mga biktima na duguang nakahandusay sa lapag.

Sa pagsisiyasat ng pu­lisya, narekober sa lugar ang dalawang basyo ng kalibre .9mm na baril at isang bala nito na ginamit sa pamamaslang sa biktima.

Hindi pa mabatid ng pulisya ang motibo sa isina­gawang pagpaslang sa mga biktima.

vuukle comment

AYON

EDIGERIO VICO

NOVALICHES TOWN PROPER

REYNALDO TAPAY

ROLITS SARI-SARI STORE

SHY

ZALDE ELUMBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with