^

Metro

Taxi driver, hinoldapng dalawang pasahero

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinangay na ang perang kinita, maging ang taxi ay hindi rin pinatawad na kunin ng dalawang pasaherong holdaper sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang bagong bik­tima ng carjacking na si Jeyjey Tampurong, 31, driver ng Merjun Taxi at residente ng Brgy. UP Campus, Diliman, Quezon City.

Sabi ni Tampurong, dalawang kalalakihan na armado ng baril ang sangkot sa na­sabing panghoholdap.

Ayon sa driver, natangay sa kanya ng mga suspect ang kanyang wallet na may lamang P4,800 cash, driver’s license  at ATM cards.

Bukod pa rito ang kanyang pinapasadang taxi na may plakang  TXX-959.

Nabatid kay Tampurong na nangyari ang insidente nang parahin ng mga suspect ang taxi ng biktima sa harap ng isang supermarket sa Cubao, ganap na alas-10 ng gabi.

Nagpahatid umano ang mga suspect sa Brgy. Masambong sa lungsod, pero pagsapit sa Corumi St. ay  nagdeklara ng holdap ang mga pasahero.

Nang makuha ang wallet ng biktimang driver ay puwersahan umano itong  pinababa sa taxi saka tinangay ng mga suspect ang pinapasada ng biktima.

Gayunman, ganap na alas-11:58 ng gabi, ang taxi ay natagpuan sa panulukan ng Mauban St. at A. Bonifacio Avenue sa Brgy. San Jose, sa lungsod.

vuukle comment

BONIFACIO AVENUE

BRGY

CORUMI ST.

JEYJEY TAMPURONG

MAUBAN ST.

MERJUN TAXI

QUEZON CITY

SAN JOSE

TAMPURONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with