^

Metro

Ngayong labor day MPD handa na sa mga protesta

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ng buong puwersa ng Manila Police District(MPD) na handa sila sa pagsalubong sa may 50,000 miyembro ng iba’t ibang militanteng grupo na nakatakdang magsagawa ng malaking pagkilos ngayong Labor Day.

Ayon kay MPD- OIC Senior. Supt. Robert Po, katuwang nila  ang augmentation force ng NCRPO sa pagbabantay sa mga raliyista.

Nabatid na alas -7 pa lamang ng umaga ay magbabantay na ang kapulisan sa mga assembly area  sa Liwasang Bonifacio at sa Mendiola na siyang huling destinasyon ng raliyista.

Maging ang mga vital installation ay babantayan rin ng kapulisan kabilang na ang LRT at MRT, oil depot, mga mall at iba pang mga matataong lugar.

Pinayuhan ni Po ang publiko na kung wala rin lang importanteng lakad mas makabubuti na manatili na lang sa kanilang bahay para maiwasan ang inaasahang pagsisikip ng trapiko.

Kaugnay nito, nagsagawa na ng  vigil kahapon ng alas- 6 ng gabi sa Mendiola ang mga miyembro ng Partido ng Manggagawang Pilipino (PMP).

Nabatid sa PMP na may 20,000 nilang miyembro ang lalahok sa mobilisasyon ngayong araw.

Samantala, ang Kilusang Mayo Uno sa kanilang itinakdang assembly area, bago magpunta sa Liwasang Bonifacio at dakong alas-3:30 ng hapon magma-martsa papuntang Mendiola.

AYON

KAUGNAY

KILUSANG MAYO UNO

LABOR DAY

LIWASANG BONIFACIO

MANGGAGAWANG PILIPINO

MANILA POLICE DISTRICT

MENDIOLA

NABATID

ROBERT PO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with