^

Metro

PNP handa na sa Labor Day

Danilo Garcia, Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Handa na ang buong Philippine National Police (PNP) sa seguridad para sa selebrasyon ng Araw ng Manggagawa, kung saan magtatalaga ng karagdagang 200 personnel sa bawat Police Regional Offices na magbabantay sa ga­gawing kilos-protesta ng iba’t ibang grupo.

Ayon kay Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., ang paglalaan ng kanilang tauhan sa bawat Re­hiyon ay base sa contigency plan para sa  Labor Day na inisyu­ ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) hinggil sa  naturang selebrasyon.

Dito ay naatasan ang lahat ng kapulisan na magsagawa ng security operations, civil disturbance management, at traffic ma­nagement ope­rations mula April 30, 2013 hanggang May 2, 2013.

Dahil dito, inatasan ng National Head­quarters ng PNP ang PRO 1, 2, 3, 4A, 5 at Cordillera na maglaan ng tig-200 personnel para sa kabuuang 1,200 bilang karagdagang pulis sa NCRPO.

Dagdag ni Cerbo, wala pa ang kabuuang bilang ng pulis na ipa­pakalat kabilang sa NCRPO.

Samantala, pinaki­usapan  ng  NCRPO  ang mga militanteng grupo na inaasahang magsa­sagawa ng kabi-kabilang kilos-protesta sa mga lansangan sa May 1  na pairalin ang pagiging mahinahon laban sa mga anti-riot police na tiniyak na hindi magdadala ng baril.

Sinabi ni NCRPO spokesperson P/Chief Insp. Kimberly Molitas na mahigpit ang kautusan  ni Police Director Leo­nardo Espina sa mga tauhan ng Civil Disturbance Management Unit at mga undercover police na huwag magdadala ng baril sa mga de­monstrasyon.

Tanging baston at panalag na truncheon lamang ang dala ng mga anti-riot police, ayon kay Molitas.

Ang mga pulis na naka-regular na duty at naka-uniporme ang maa­aring magdala ng baril ngunit hindi maaaring makihalo sa pagharang sa mga kilos-protesta.

Sinabi nito na kanilang ipakakalat ang mga tauhan sa mga pangunahing instalas­yon at establisimiyento sa Metro Manila upang matiyak ang seguridad.

Bukod sa mga pulis buhat sa NCRPO at mga distrito, ma­aaring magpadala rin ang Armed Forces of the Philippines at mga PNP Regional Offices kung may panganga­ilangan ng dagdag na tauhan.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CHIEF INSP

CHIEF SUPT

CIVIL DISTURBANCE MANAGEMENT UNIT

GENEROSO CERBO JR.

KIMBERLY MOLITAS

LABOR DAY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with