^

Metro

40 pedicab ipinamahagi ni Lim

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Natupad na ang pangarap ng may 40 pedicab driver na magkaroon ng sariling pedicab matapos na ipamahagi ni Manila Mayor Alfredo Lim sa ilalim ng ‘Boundary-Hulog Program’, ng city government.

Sa ginanap na simpleng seremonya sa Rasac Covered Court, kasama ni Lim ang kanyang vice mayoral candidate Lou Veloso, re-electionist Congresswoman Naida Angping at kandidato sa pagka konsehal na sina Thelma Lim, Engr. Severino Reyes, William Lising, Jess Abejar at Jackson Dechavez na nagpamahagi ng mga bagong “pedicabs” sa mga benepisyaryo mula sa Districts 1 at  2.

Sinabi ni Nancy Villanueva, chief ng  Manila Traffic and Parking­ Bureau, ang inisyal na units na ipinamigay ay bahagi ng 240 pedicab­ units na ipamamahagi sa anim na distrito ng Maynila.

Ayon kay Villanueva, P100 kada araw ang hulog sa pedicab hanggang  sa matapos ang  pagbabayad.

Kasabay nito nanawagan si Lim at iba pang kandidato sa mga miyembro ng Pedicab Operators and Drivers’ Association (PODA) na ipagpatuloy ang kanilang pangarap.

Sinabi naman ni PODA leader Rhuel Congreso, na si Lim ang tunay na may malasakit sa mga pedicab drivers. Baba­yaran umano ng hanggang apat na buwan ng mga benificiary ang mga pedicabs.

Ang halagang makokolekta ay muling ibibili ng mga bagong units ng pedicabs para naman sa ibang benipisyaro.

Nabatid noong nakalipas na buwan may 15,000 operators at drivers ng tri-wheel units ang nagbigay ng suporta sa tam­balang Lim at Veloso.

BOUNDARY-HULOG PROGRAM

CONGRESSWOMAN NAIDA ANGPING

JACKSON DECHAVEZ

JESS ABEJAR

LOU VELOSO

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANILA TRAFFIC AND PARKING

NANCY VILLANUEVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with