^

Metro

Namigay ng ‘poison letter’ inaresto

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dinakip ng mga tauhan ng Pasay City Police ang isang lalaki na naaktuhang namimigay ng “poison flyers”­ na nakakasira sa imahe ng tatlong kandidato sa halalan sa lungsod kamakalawa ng gabi.

Sinampahan na ng kasong libelo ang inarestong si Marion Dadea, 42-ng Ma­libay, Pasay.

Inireklamo ito nina Allan Panaligan, 44, dating Acting­ City Mayor ng Pasay, at tumatakbong konsehal sa Dis­­trict 2 ng lungsod; Arvin Tolentino, 42, tumatakbong konsehal sa 2nd District at Atty. Santiago Quial, dating City Administrator ng Pasay at tumatakbo ngayong Kongresista sa lungsod.

Sa ulat ng Pasay Police, nagsasagawa ng caucus sa may F. Cruz Street, Malibay, dakong alas-7:30 kamaka­lawa ng gabi ang tatlong na­banggit na kandidato nang samantalahin umano ito ni Dadea na namahagi sa mga tao ng “flyers/pamphlets” na nagsasaad na “Bayan Gi­sing Wag Paloko”.

Nakarating naman sa tatlong kandidato ang flyers na naglalaman ng mga nakakasirang impormasyon laban sa kanila kaya agad na ipinadakip sa mga barangay tanod si Dadea. Nakuha sa posesyon nito ang isang  bag na puno ng naturang mga babasahin.

 Inaalam na ngayon ng pulisya kung sino ang nasa likod ng naturang aksyon ni “Dadea” laban sa tatlong kandidato.

ALLAN PANALIGAN

ARVIN TOLENTINO

BAYAN GI

CITY ADMINISTRATOR

CITY MAYOR

CRUZ STREET

DADEA

MARION DADEA

PASAY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with