^

Metro

Bumbero nagbaril sa bibig, dedo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang bumbero ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili sa loob ng kanilang tahanan sa Pasig City, kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang nasawi na  si Alfonso Eugenio Jr., 27, binata, miyembro ng Pasig Fire volunteer na residente ng Dr. Sixto Antonio Avenue, Brgy. Rosario sa lungsod.

Ayon kay SPO1 Romeo Taguilan, ng Station Investigation Detection Manage­ment Branch (SIDMB) bago ang pagpapakamatay ng biktima ay dumating ito ng ka­nilang bahay dakong alas-3:00 ng madaling-araw na lasing.

Dahil lasing ay nagtuluy-tuloy umano ito sa second floor ng kanilang bahay kung saan naroroon ang kanyang silid hanggang sa makarinig na lang ng ma­lakas na alingaw­ngaw ng putok ng baril ang ina nito na si Aling Reme Alfonso.

Agad umanong kinabahan ang ina at mabilis itong umakyat sa itaas ng kanilang bahay at laking gulat nito nang pagbukas ng pintuan ng silid ng anak ay tumambad ang nakabulagtang biktima.

Nabatid na sa bibig nagbaril ang biktima na tumagos sa likod ng kanyang ulo.

Ayon sa pulisya tu­manggi ang mga kaanak ng biktima na magbigay pa ng salaysay sa pulisya at maging ang baril na ginamit sa pagpapakamatay ay itinago na.

Patuloy ngayon iniim­bestigahan ng mga awtoridad ang nasabing insidente upang malaman kung mayroon foul play sa insidente.

vuukle comment

ALFONSO EUGENIO JR.

ALING REME ALFONSO

AYON

BRGY

DR. SIXTO ANTONIO AVENUE

PASIG CITY

PASIG FIRE

ROMEO TAGUILAN

STATION INVESTIGATION DETECTION MANAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with