^

Metro

Mga kawatan iwas na sa Muntinlupa dahil sa CCTV

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagdada­lawang isip na umano ngayon ang mga kriminal na gumawa ng mga ka­bulastugan sa mga establisimento sa Muntinlupa City dahil sa mas pinaigting na seguridad sa lunsod bunsod ng mga lokal na ordinansa.

Ito ay makaraang isiwalat ni Muntinlupa City Mayor Aldrin San Pedro na naging halos isandaang porsiyento nang naipa­tupad ang ordinansa bilang 11-046 o CCTV Ordi­nance sa lungsod na naglala­yong gawing­ compulsory requirement­ at pagkakaroon ng closed­ circuit tv sa lahat ng ma­la­laking es­tablisimento.

Nakasaad sa natu­rang­ ordinansa na ang lahat ng mga establisimentong bukas sa araw o gabi na may kapital na P1 milyon pataas ay obligadong lagyan ng cctv ang kanilang nasasakupan at i-record ang digital ima­ges ng mga ito sa loob ng susunod na isang buwan upang mai-review kung tinatawag ng pagkaka­ taon.

Obligado rin ang mga may-ari ng esta­blisiyemento na bigyan ng kopya ng mga recor­dings ang mga pulis kung sakaling kailanganin ito sa pag-iimbestiga sa mga kriminalidad.

“Ipinasa ng ating konseho ang ordinansang ito matapos ang masinsinang pag-aaral sa kahalagahan ng mga cctv cameras para mabigyan ng proteksiyon ang mga establisiyemento at mga parukyano ng mga ito laban sa masasamang loob,” ang paliwanag pa ni San Pedro na ngayon ay tumatakbo sa kanyang huling termino bilang mayor ng lungsod.

IPINASA

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY MAYOR ALDRIN SAN PEDRO

NAGDADA

NAKASAAD

SAN PEDRO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with