^

Metro

Shootout: Holdaper utas, 2 pa tiklo

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang holdaper at arestado naman ang dalawang kasamahan nito matapos na manlaban sa mga pulis, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Nasawi noon din si Jerome Lazarte, ng Brgy. Northbay Boulevard South, Navotas City sanhi ng tinamong ilang tama ng bala sa mukha buhat sa isang kalibre .9mm na baril.

Nakakulong naman ang dalawang kasama nito na sina Algie Quinawod, 24 at kapatid nitong si Albert, 21, kapwa nakatira  sa Navotas City.

Naganap ang insidente dakong alas-11:30  ng gabi sa kahabaan ng Martiniko St., Brgy. Longo ng naturang siyudad.

Bago naganap ang insidente, nauna rito dakong alas-9:00 ng gabi, hinoldap ng mga suspect ang isang pampasaherong jeep sa may tulay ng C-4 Road.

Matapos malimas ang pera, cellphone at mahahaling gamit ng mga pasahero ay mabilis na tumakas ang mga suspect, dahilan upang humingi ng tulong ang mga biktima sa mga pulis at sa isang follow-up operation ay natunton ang mga suspect.

Ngunit nang aarestuhin na ay tinangkang bunutin ni Lazarte ang kanyang kalibre 38 baril kaya agad itong pinaputukan ng mga pulis sa mukha na kaagad nitong ikinasawi at nadakip naman ang dalawang kasamahan nito.

Narekober sa mga suspect ang isang improvise shot gun at dalawang kalibre 38 baril na may mga bala.

Naibalik din ang ilang mga gamit ng mga biktima.

 

vuukle comment

ALGIE QUINAWOD

BRGY

JEROME LAZARTE

LAZARTE

LONGO

MALABON CITY

MARTINIKO ST.

NAVOTAS CITY

NORTHBAY BOULEVARD SOUTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with