P250-M shabu nasamsam: 4 tiklo
MANILA, Philippines - Apat na hinihinalang big time drug pushers kabilang ang dalawang Filipino Chinese ang naaresto ng mga opeÂratiba ng Anti Illegal Drugs-Special Task Group ng Quezon City Police, makaraang makuhanan ng aabot sa 40 kilo ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa isang coffee shop sa lungsod, kahapon umaga.
Kinilala ni QCPD Director Police Senior Supt. RiÂchard AlbanoÂ, ang mga suspect na sina Mark Sy Hue, 39; at Honorato Lo Pontigonon, 39; kapwa taga-Sta. Cruz Manila; at dalawang Pinoy na sina James Rosales, 26, ng Multinational Village Quezon City at CrisoÂlogo Puzon, 40, ng Las Piñas City.
Ayon kay Albano, nasamsam sa mga nadakip ang may kabuuang 40 na kilo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P250 milyon. Ang nasabing shabu ay nakasilid sa dalawang malaking bayong na pawang mga naka-repack.
Ito anya ang pinakamalaÂking huli ng shabu sa lungsod Quezon, dahil nagkakahalaga ito ng aabot P250-M at itiÂnuÂturing na “high grade shabu†o magandang klase.
Bukod sa shabu, nakumÂpiska rin sa mga suspect ang mga sasakyang Mitsubishi Lancer (UTE-886)at Honda Civic (UUY-425) na ginamit din ng mga ito sa kanilang iligal na operasyon.
Ang pagkakadakip sa mga suspect ay bunga ng isang linggong surveillance na giÂnawa ng tropa ng QCPD’s District Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Group sa pamumuno ni Senior Inspector Roberto Razon.
Bago ito, nakipagtransaksyon ang poseur buyer ng pulisya sa mga suspect sa pagbili ng shabu ganap na alas-4:30 ng madaling araw kung saan sila nakakuha ng shabu sa mga suspect na sina Hue at Puzon sa may Banawe Avenue, malapit sa panulukan ng Makaturing St. sa Brgy. Manresa, Laloma sa lungsod.
Sakay sina Hue at Puzon ng Honda Civic nang isagawa ang transaksyon kung saan nakuha sa kanila ang kalahaÂting kilo ng shabu na nakabalot sa pan-regalo.
Dahil positibo ang transaksyon, muling nagsagawa ng follow-up buy-bust operation ang tropa laban kina Pontigonon at Rosales at nagkasundo na magpalitan ng items sa may harap ng coffee shop sa kahabaan ng Banawe kung saan sila naaresto, ganap na alas-7:30 ng umaga.
Nang siyasatin ang dala nilang Mitsubishi Lancer ay narekober ang dalawang maÂlaÂking bayong na plastic kung saan nakalagay ang bulto-bultong shabu na nakasilid sa 39 piraso ng ziplock plastic bag.
Ayon kay Albano, panibagong modus operandi ang ginagawa ngayon ng grupo, dahil bukod sa pera ay ibinibenta na rin umano nila ang dalang mga sasakyan, upang hindi mahalata ang abutan ng mga kontrabando.
- Latest