^

Metro

Driver dedo sa pamamaril ng tandem

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang tricycle driver makaraang pagbabarilin ng riding in tandem suspect sa may lungsod Quezon, ayon sa ulat kahapon.

Dead-on-arrival sa  FEU Hospital si Leonard Rey Gacutan, 28, binata ng no. 79 San Diego St., Brgy. Commonwealth, sa lungsod.

Ayon kay PO3 Hermogenes Capili, mabilis ding tumakas ang mga salarin na pawang nakasuot ng kulay pulang helmet sakay ng isang Honda wave motorcycle na kulay pula at walang plaka.

Nangyari ang insidente sa may harap ng Nibren J. Pharmacy na matatagpuan sa Villongco St., malapit sa panulukan ng Steve St., Brgy. Commonwealth, ganap na alas-4 ng hapon.

Sinabi ng testigong si Relly Joy Javate, busy siya sa pagtitinda nang marinig niya ang mga putok ng baril malapit sa nasabing pharmacy.

Nang kanyang tignan, nakita na lang niya ang biktima na duguang nakasubsob sa kanyang pi­napasadang tricycle. Hindi kalayuan dito ay nakita niya ang isang motorsiklo na humaharurot patungo sa Steve St.

Patuloy ang imbes­tigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente.

AYON

BRGY

HERMOGENES CAPILI

LEONARD REY GACUTAN

NIBREN J

RELLY JOY JAVATE

SAN DIEGO ST.

STEVE ST.

VILLONGCO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with