^

Metro

Sekyu nagbaril sa sentido

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpakamatay sa pamamagitan nang pagbaril sa sarili ang isang security guard habang ito ay naka-duty sa isang warehouse sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Kinilala ni PO2 Alvin Quisumbing ang nasawi na si Amado Babaran, 51, security guard ng Imperial Security Agency at residente ng San Mateo Rizal.

Namatay noon din si Babaran  matapos ang isinagawang pagbaril sa sarili ganap na alas-9:20 ng umaga sa binabantayan nitong manufacturing company na matatagpuan sa Mindanao­ Avenue, Brgy. Bahay Toro sa nasabing lungsod.

Dagdag ng imbestigador, isang tama ng bala sa kanang sentido mula sa kalibre 38 baril ang tumapos sa buhay ng biktima.

Napag-alaman na nasurpresa na lamang umano ang da­lawa nitong kasamahan nang makita sa Babaran na itinutok ang baril sa kanyang ulo, saka kinalabit ang gatilyo nito. Wala na rin umanong tiyansa ang dalawa na pigilan pa ang biktima.

Sa kasalukuyan, wala umanong alam ang mga kasamahan ng biktima na rason para magpakamatay ito. Hindi pa rin naka­kausap umano ni Quisumbing ang pamilya ng biktima para magbigay linaw sa pagpapakamatay ng naturang sekyu.

vuukle comment

ALVIN QUISUMBING

AMADO BABARAN

BABARAN

BAHAY TORO

BRGY

DAGDAG

IMPERIAL SECURITY AGENCY

KINILALA

SAN MATEO RIZAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with