133 paslit sinagip, binihisan ng QCPD
MANILA, Philippines - Umabot sa 133 mga paslit ang pansamantalang inalagaan, binihisan, at pinakain ng Quezon City Police District, alinsunod sa programang “Oplan Sagip Anghel†ng PhilipÂpine National Police.
Ang mga paslit na kinabibilangan ng mga batang lansangan o batang hamog ay pinagdadampot sa mga lansangan sa buong lungsod, matapos ang ulat ng sunod-sunod na pagkawala ng mga bata sa hinalang kinukuha ang mga ito ng isang sindikato.
Ayon kay QCPD director Senior Supt. Richard Albano, sa ganitong pamamaraan ay maipapakita umano nila sa mga bata ang kanilang suporta at maging sa kanilang mga magulang.
Giit ni Albano, ang pagkawala ng bawat bata ay bunsod na rin ng kapabayaan ng ilang mga magulang na hinahayaan lamang ang kanilang mga anak na gumala sa labas ng kanilang bahay hanggang sa ito ay maligaw hanggang sa tuluyan nang mawala.
Kaugnay nito, inamin naman ni Supt. Michael Macapagal, hepe ng Police Station 3 na wala umanong sindikato na nabuo para manguha ng bata, tulad ng napapabalita, kung hindi ang kapabayaan na rin ng mga magulang.
Sabi ng opisyal, may mga kaso na kanilang naitala hingil sa nawawalang bata ay nagpupunta lamang sa mga computer shop kung saan sila nahahanap ng kanilang mga magulang.
May mga kaso rin anyang, hindi na nagagawang makauwi ng isang bata, kapag na-enjoy na nito ang paglalaro sa labas ng kanilang bahay at napuÂpunta sa ibang lugar, hanggang sa makuha ng ibang tao.
Samantala, ang mga naÂsabing bata ay agad ding ibinalik sa kanilang mga magulang, makaraan ang ilang seremonya na ginawa sa Camp Karingal, tulad ng pagpapakain, pagpapaligo at pagbibigay ng mga damit sa kanila.
- Latest