Petisyon ng MMDA, aprub sa COMELEC: Campaign motorcade sa 18 kalsada sa MM, bawal na
MANILA, Philippines - May 18 pangunahing kalsada sa Metro Manila ang hindi na papayagang pagsagawaan ng motorcade rally ng mga nangangampanyang politiko, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ito’y matapos aprubahan ng Commission on Election (COMELEC) ang naging petisyon ni MMDA Chairman Francis Tolentino kaugnay sa umano’y dulot na matinding trapik ng mga motorcade ng mga kandidato.
Kinatigan ng COMELEC ang petisyon kung saan kabilang sa ipagbabawal na dumaan ang campaign motorcade ay sa EDSA Avenue, C-5 Road, Quezon Avenue, CommonÂwealth Avenue, España Boulevard, Marcos Highway, E. Rodriquez Sr. Avenue, Aurora Boulevard , Ramon Magsaysay Avenue, President Quirino Avenue, Ortigas Avenue, Shaw Boulevard, NAIA Road, Domestic Road, Roxas Boulevard, Araneta Avenue, A.H. Lacson St., Rizal Avenue at Bonifacio Avenue.
Ayon sa COMELEC, agad nilang ilalabas ang opisyal na resolution sa mga susunod na araw.
Nabatid, na naunang sinabi ni Tolentino na kung may COMELEC resolution na ang kanilang petition ay hindi lamang traffic citation ticket ang magiging penalty ng mga lalabag, kundi magkaroon ng penalty para sa disqualification ng kandidatong lumabag.
“Gusto lang po namin maging maluwag ang daloy ng trapiko sa mga nabanggit na kalsada dahil pagdoon sila dumaan ay aasahan na ang pagsisikip ng trapiko. Maraming mga motorista ang magagalit,†ani pa ni Tolentino.
- Latest