^

Metro

Pulis vs sindikato: 4 todas sa shootout

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat na kalalakihang pinaniniwalaang  miyembro ng sindikato ng illegal na droga ang  bumulagta ma­tapos na makipagpalitan ng  putok sa mga tauhan ng Manila Police District-Baseco Police Community Precinct, kahapon ng tanghali.

Dead-on-the-spot ang mga suspect na dalawa dito ay kinilalang sina  Ato Mohammad, 36; at Alvin Pilas, 19,  kapwa residente  ng  Blk.7,  Lot 80,  Baseco Compound, Port Area, Maynila habang inaalam pa ang  pagkakakilanlan ng dalawa pa na dayo lamang sa lugar.

Narekober sa kanilang posesyon ang dalawang kalibre  ng .45 baril at dalawang .38 caliber na ginamit sa pakikipagpalitan ng putok sa grupo ng Baseco PCP na pinamunuan ni C/Insp. Nicolas Piñon.

Agaw-buhay naman ang nasa panig ng mga awtoridad  na  si Junrey Cabual, 35, barangay tanod ng Brgy. 649, Zone 68, sa ilalim ng pamunuan ni Brgy. Chairman Kristo Hispano. Nabatid na nagtamo ng bala sa tiyan na tumagos sa likurang bahagi ng biktima kaya kritikal ito at nilala­patan ng lunas sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center.

Sa panayam kay Piñon, dakong alas-10:00 kama­kalawa ng gabi nang may magbarilang kalalakihan sa nasabing lugar kaya rumesponde ang kanilang pwersa sa pamumuno ni MPD-Station 5 P/Supt. Ferdinand Quirante, na inabot ng madaling-araw sa isinagawang follow-up operation subalit hindi natunton ang mga suspect.

Kahapon ng umaga  ay may nagbigay ng impormasyon sa tanggapan ni Piñon na bumalik na ang grupo ng mga suspect kaya agad silang nagtungo sa lugar, kasama ang mga tauhan ng nasabing ba­rangay,  malapit sa Aplaya.

Dakong alas-11:10 nang sila ay dumating sa lugar subalit agad umano silang pinaputukan ng mga kalalakihan kaya nagkaroon ng engkwentro.   

Natagpuan din ng  mga awtoridad ang mga drug paraphernalias na hinihinalang gamit sa pagbebenta ng iligal na droga sa lugar.

Nabatid din na may da­lawang batang natamaan ng ligaw na bala kama­kalawa ng gabi nang may barilin ang mga suspect na isang lalaking hindi  pa tukoy ang pangalan.

Kinilala ang dalawang   biktima ng stray bullet na sina Gabz Gabinete, 10; at Arnie Legato, 8, residente ng lugar.

ALVIN PILAS

ARNIE LEGATO

ATO MOHAMMAD

BASECO COMPOUND

BRGY

CHAIRMAN KRISTO HISPANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with