^

Metro

Holdaper patay sa kuyog ng taumbayan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang hinihinalang holdaper nang kuyugin ng taumbayan makaraang mangholdap sa isang pampasaherong dyip sa Sta. Ana, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Inilarawan ang biktima na nasa gulang na 18-20-anyos, may taas na 5’4’’, payat ang pangangatawan, nakasuot ng kulay itim na sando at puting jersey na shorts.

Ayon sa pulisya, dakong alas-3:00 ng madaling-araw nang maganap  ang insidente sa panulukan ng Tenorio at A. Francisco Sts., Sta. Ana.

Nabatid na matapos makapanglimas ng mga mahalagang kagamitan at pera sa mga pasahero ng isang dyip ( DNA 744) ang  suspect at mga kasamahang holdaper ay  kaswal na naglakad ang mga ito sa isang eskinita sa nasabing lugar.

Nasaksihan naman ng isang barangay tanod na si  Reggie Pangilinan, 37, ng  Brgy. 790,  Zone 86 District 5, ang panghoholdap ng mga suspect kaya ginamit nito ang silbato upang maalarma ang mga residente  subalit hindi niya na nakita ang mga holdaper hanggang sa mabalitaan niya na  kinuyog at napatay ang isa sa mga ito ng taumbayan.

 

AYON

BRGY

FRANCISCO STS

INILARAWAN

MAYNILA

NABATID

NASAKSIHAN

REGGIE PANGILINAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with