^

Metro

Kumbento hinoldap ng 5 armado

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tila wala sa bokabularyo ng mga masasamang-loob ang pinitensya sa araw ng Semana Santa, dahil maging ang kumbento ay hindi pinatawad matapos na pasukin ng limang armadong suspect at holdapin kahapon ng hapon sa lungsod Quezon.

Ayon sa inisyal na ulat ng Quezon City Police District Station 10, partikular na pinasok ng mga suspect ang Missionary Sisters Servants of the Holy Spirit na mata­tagpuan sa  Poinsentia Road, E. Rodriguez Sr., Cubao.

Sinasabing alas-3 ng hapon nang biglang pasukin ng mga suspect ang nasabing kumbento, kung saan dumiretso ang mga ito sa opisina saka tinutukan ng baril ang nakatalagang madre at kinuha ang umano’y pampasuweldo ng 30 em­pleyado na tinatayang aabot sa P30,000.

Diumano, dahil walang guwardiya at bukas ang gate ng nasabing kumbento pa­tungo sa tanggapan nito ay madaling nakapasok ang mga suspect at naisaka­tuparan ang nasabing panlo­loob.

Matapos makuha ang  pakay­ ay saka lumabas din mula sa gate ang mga suspect na parang walang nangyari.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pagsisiyasat ng awto­ridad sa naturang insidente.

 

vuukle comment

AYON

CUBAO

DIUMANO

MISSIONARY SISTERS SERVANTS OF THE HOLY SPIRIT

POINSENTIA ROAD

QUEZON CITY POLICE DISTRICT STATION

RODRIGUEZ SR.

SEMANA SANTA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with