^

Metro

2 nagbigti sa Maynila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pagkakaroon ng sakit na kanser at pagkabigo sa pag-ibig ang nakikitang dahilan sa pagpapakamatay ng  dalawang lalaki na natagpuang nakabigti sa magkahiwalay na lugar sa  Binondo at Sampaloc, Maynila.

Alas-12:30 ng  tanghali  kahapon nang natagpuang nakabigti ang biktimang si Juanito Reyes, 53, ng Gate 16 Parola Compound, Binondo, Maynila.

Huling nakitang buhay ni Rochelle del Rosario, pinsan ng biktima dakong alas- 6:30 ng umaga nang bigyan niya ito ng kape.

Pinuntahan niya ang  biktima  sa kuwarto upang mananghalian  subalit la­king gulat niya nang makitang   nakabigti  ito  gamit ang kulay dilaw na nylon  cord.

Hinala ni del Rosario, hindi na nakayanan ng biktima ang iniinda nitong cancer sa buto kaya naisip nitong magpakamatay.

Samantala dakong alas- 7:30 ng umaga kahapon nang itinawag ang pagpapakamatay ni Rolando Bucacao, 44, special child, ng 826 Mindoro St. Sampaloc, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon, si Bucacao ay natagpuang nakabitin ng kanyang pinsan na si Sarah sa loob ng kanyang kuwarto gamit ang kulay dilaw na nylon cord.

Nabatid na binasted umano ang biktima nang kanyang nililigawan kaya naisip nitong magpakamatay.

AYON

BINONDO

BUCACAO

JUANITO REYES

MAYNILA

MINDORO ST. SAMPALOC

PAROLA COMPOUND

ROLANDO BUCACAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with