^

Metro

P.5-M tangay ng akyat-bahay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Natangayan ng halos P500,000 halaga ng ari-arian ang isang pamilya matapos na pasukin ng hindi matukoy na salarin ang kanilang bahay sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Kinilala ni PO3 Al Ponferada, may-hawak ng kaso ang biktima na si Jose Mai Salvador, 39, residente ng Edward St., Pleasantview Subdivision, Brgy. Tandang Sora, Quezon City.

Ayon sa biktima, nagawang makuha ng magnanakaw sa kanyang bahay ang aabot sa P500,000 halaga ng alahas na nakalagay sa jewelry box, isang kalibre 45 Glock pistol; at isang Apple Macbook.

Sinabi ni Salvador na nadiskubre ang na­sabing pagnanakaw nang umuwi siya ng kanyang bahay ganap na alas-5:30 ng hapon.

Sabi ng biktima, iniwan umano ng kanyang kasama sa bahay ang kanilang tirahan ganap na alas-6:20 ng umaga, pero siniguro nilang naka-lock ang pintuan nito.

Ayon sa imbesti­gador, maaaring pu­manhik ng bakod ang mga suspect na nasa harapan ng kanilang bahay, saka pinuwer­sahang binuksan ang pintuan at pumasok sa loob kung saan sinimulang kunin ang mga nasabing items.

 

vuukle comment

AL PONFERADA

APPLE MACBOOK

AYON

BRGY

EDWARD ST.

JOSE MAI SALVADOR

PLEASANTVIEW SUBDIVISION

QUEZON CITY

TANDANG SORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with