^

Metro

Burol ni Kristel, dinagsa sa UP Manila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dinala na sa UP Manila ang labi ng freshman student na si Kristel Tejada kahapon ng umaga.

Mula sa Santuary Funeral Homes sa Sta  Cruz, Manila, pansamantalang inilagak ang labi ni Kristel sa Rizal Hall ng UP Manila, na dumating dakong alas-9:30 ng umaga.

Pawang nakasuot ng itim, ang mga estudyante, kaklase, kaibigan, mga guro at mga kaanak na naghatid at sumalubong sa pagdating ng labi ni Kristel sa naturang uni­ber­sidad.

Makikita rin sa daanan patungong Rizal Hall ang ilang mga mensahe para kay Kristel ng kanyang mga kaklase at kaibigan na nakasulat sa mga puting  tarpaulin.

Nabatid na mula sa Sanctuary Funeral Homes sa Sta. Cruz, Maynila, inilipat ang labi ni Tejada sa UP Manila para mabigyan ng huling respeto at necrological services ng  kanyang  mga kaibigan, propesor at kaeskwela.

Sa stage ng Rizal Hall idiniretso ang labi ni Kristel at dito kasamang naka-display ang mga naging uniform niya sa UP, mga medalya at awards.

Dakong 10:00 ng umaga­ nang  sinimulan ang public viewing kay Tejada kung saan nag-alay ng bulaklak ang unang 1,000 sumilip sa labi nito.

Tumagal ang unang public viewing hanggang 12:00 ng tanghali, at pansamantalang itinigil para sa misa at muli itong binuksan sa publiko ganap na ala-1:00. Alas- 5:00 ng hapon ay muling nagmisa at sinundan ng tribute.

Ngayong umaga ay  magpapalipad ng pula at puting lobo ang mga estudyante ng UP Manila sa labas ng gate ng College of Arts and Sciences.

vuukle comment

COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES

CRUZ

KRISTEL

KRISTEL TEJADA

RIZAL HALL

SANCTUARY FUNERAL HOMES

SANTUARY FUNERAL HOMES

TEJADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with