Pinagnakawan din UE employee ginahasa na, pinatay pa
MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang ginahasa muna bago pinatay sa pamamagitan nang pagsakal ang isang 42-anyos na senior clerk ng University of the East (UE) sa loob ng inuupahang kuwarto sa Sampaloc, Manila kamakalawa ng hapon.
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, may marka ng sakal ng sinturon si Rowena Calo, dalaga, senior clerk sa Guidance Councelor Office ng University of the East (UE) at residente sa Negros St., Sampaloc, Manila na sinasabing ilang oras na ring patay nang matagpuan.
Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspect na si PJ Romero, 29, katabing kuwarto ng biktima na tumakas maÂtapos ang insidente.
Sa report ni Det. Lester Evangelista ng Manila Police District (MPD)-Homicide section, dakong alas-4:30 kaÂmakalawa ng hapon nang madiskubreng patay ang biktima sa loob ng inuupahang kuwarto.
Ayon kay Rizza, kapatid ng biktima, huli niyang nakitang buhay ang kapatid dakong alas-7:30 kamakalawa ng umaga kung saan iniwanan niya ito upang pumasok sa trabaho.
Gayunman, dakong alas-12:00 ng tanghali nang tinawagan si Rizza ng kasamahan sa trabaho ng kanyang ate at tinatanong kung bakit hindi ito pumasok. Agad namang nakisuyo si Rizza sa pinsang si Ronald Aquino na puntahan ang biktima sa bahay at tanungin kung bakit hindi pumasok.
Subalit naka-lock ang pinto ng biktima nang dumaÂting si Aquino kung saan naÂkita nila ang huli na nakaÂtihaya at walang saplot sa kanyang kama.
Dito na sapilitang binuksan ang kuwarto ng biktima kung saan nakitang tinakpan ito ng unan sa mukha at ari at napupuluputan ng sinturon ang leeg nito.
Wala naman sa inuupahang kuwarto nito ang suspect nang puntahan ng mga awtoridad at tanging hubad na larawan ng mga babae ang nakita.
Nawawala rin ang P15,000 cash at apat na cellphone ng biktima. Nagsasagawa naman ng follow-up operation ang mga awtoridad.
- Latest