^

Metro

Bagong laya nagbigti

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang dating inmate ang natagpuang patay at nakabigti sa holding area ng Pasig City Hall of Justice kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang nasawi na si Ambro Rajamundo,  residente ng Villas Subd., Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:30 ng madaling-araw nang matagpuan ang bangkay ng biktima na mistulang nakatayo lang at nakasandal sa pintuang bakal ng nasabing holding area.

Isang kadena, na nakatali sa bakal na pintuan ng holding area ng Pasig City Hall of Justice, ang nakitang nakabigti sa leeg ng biktima.

Narekober din mula sa kanya ang isang certificate of discharged mula sa pagkakakulong nito sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Nagpayong, Pasig City matapos na mapawalang-sala dahil sa kasong paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165 o illegal possession of drugs.

Sinabi ni SPO1 Lardy Ignacio, ng Station Investigation Detection Management Branch (SIDMB), lumilitaw na ang biktima ay dating inmate sa BJMP matapos na masangkot sa kasong illegal na droga noong 2002, subalit nito lang Pebrero 14, 2013 ay napawalang-sala ito at nakalaya.

Sa ngayon ay masusi naman umanong iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nasabing insidente upang matiyak  kung totoong nag-suicide ang biktima o kung may naganap na foul play sa insidente.

vuukle comment

AMBRO RAJAMUNDO

BATAY

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

ISANG

LARDY IGNACIO

PASIG CITY

PASIG CITY HALL OF JUSTICE

REPUBLIC ACT

STATION INVESTIGATION DETECTION MANAGEMENT BRANCH

VILLAS SUBD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with