^

Metro

Briton huli sa pang-aabuso sa live-in partner na Pinay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang British national ang inaresto ng awtoridad makaraang ireklamo ng kanyang Pinay na girlfriend ng verbal at emotional abuse sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Si David Huw Evans, 61, dating physics professor, at residente ng Wales sa United Kingdom, ay inaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Talipapa Station matapos na ireklamo ng kanyang tatlong-buwan pa lamang na live-in partner na si “Rica”. Aniya, maliban sa pananakot ay pinalalayas, iniinsulto at pinapahiya siya sa publiko sa isang mall sa lungsod.

Sa ulat ng Talipapa police station nangyari  ang insidente  kamakalawa, dakong alas-11 ng umaga sa loob ng kanilang tinu­tuluyan sa  South Green Park Village, Brgy. Bahay Toro.

Nabatid na nagtalo umano ang dalawa matapos na tumanggi si Evans na isama ang live-in partner sa mall. Nang magpumilit ang babae na sumama, sinigawan umano ng Briton ang babae ng “You’re crazy. You’re insane,” habang nasa loob sila ng isang fastfood restaurant sa isang  mall.

Bukod  sa pagsasabing siya ay baliw, walang tigil din umano ang pagmumura ng Briton.

Dagdag pa ng complainant, mahinahon umano niyang sinabihan ang dayuhan na mag-usap sila sa bahay, pero muli siyang ininsulto nito.

Para makaiwas sa kahihiyan, nagpasya ang babae na umalis at nagdesisyon na lang na hintayin ang dayuhan sa kanilang unit. Pero nang dumating si Evans ganap na alas-6 ng gabi, muli na naman siyang pinagsisigawan at tinakot na papahatak sa security guard ng condo palabas ng lugar.

Nang tangkain umano ng babae na magpaliwanag, ayaw na umanong maki­pag-usap ng Briton at pinaiiwan na nito sa guwardiya ang susi ng condo unit. Dito na nagpasya ang babae na magsampa ng reklamo laban sa Briton at ito ay inaresto.

Nagkakilala sa pamamagitan ng inter­net noong October ng nakaraang taon hanggang sa magpahayag at mangako si Evans na pakasalan ang babae, kung saan dumating ito noong Enero sa bansa at kasalukuyang nagli-live-in.

vuukle comment

ANIYA

BAHAY TORO

ISANG BRITISH

NANG

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SI DAVID HUW EVANS

SOUTH GREEN PARK VILLAGE

TALIPAPA STATION

UNITED KINGDOM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with