^

Metro

Seaman, natagpuang patay sa loob ng apartelle

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang masangsang  na amoy ang naging daan upang madiskubre ang bangkay ng isang  seaman sa loob ng inuupahan nitong apartelle kamakalawa ng gabi sa  Malate, Maynila.

Hinihinalang may ilang araw nang patay si Nestor Gentoral, 55, tubong Nueva Valencia Guimaras  at pansamantalang nanunuluyan sa Room 48 Marbella Apartelle sa Mabini St., Malate, Manila .

Sa report ni Manila Police District (MPD)-Homi­cide section, dakong alas-8:00 ng gabi nang nadiskubreng patay ang biktima sa loob ng kanyang tinutuluyang kuwarto sa Room 48.

Nauna rito, ipinaalam sa front desk ng kalapit kuwarto ng biktima ang masangsang na amoy na nagmumula sa kuwarto  ni Gentoral kung kaya’t tumawag sa kuwarto nito ang roomboy na si Ernel Vicente.

Pinuntahan ni Vicente ang kuwarto ng biktima at nang walang sumasagot  ay puwersahang binuksan ito gamit ang duplicate key  kung saan tumambad sa kanya ang biktima na nakasuot ng kulay gray na t-shirt, naka-tuwalya lamang sa ibabang bahagi nito at wala nang buhay.

Wala namang nakitang anumang sugat o pa­la­tandaan na sinaktan ito kaya hinihinalang walang naganap na foul play sa pagkamatay nito.

ERNEL VICENTE

GENTORAL

HINIHINALANG

MABINI ST.

MANILA POLICE DISTRICT

MARBELLA APARTELLE

NESTOR GENTORAL

NUEVA VALENCIA GUIMARAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with