^

Metro

No bail sa 4 na illegal recruiter

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang piyansang inirekomenda ang piskalya ng Maynila laban sa apat na illegal recruiter na una nang  nadakip ng mga tauhan ng Manila City Hall Action and Public Assistance (CHAPA) kamakailan sa Ermita, Maynila.

Ayon kay Sr. Insp. Rolando Lorenzo, Jr. hepe  ng CHAPA, kinasuhan ng Syndicated Estafa, (Illegal Recruitment) Large Scale at  City Ordinance (Working Without Permit  sina Dennis Abellon, 27, may-ari ng Marhaba International Management Services Co.; Emma Palalon, 34, Secretary; Rommel Palmes 33, Desk Officer ; at Gemma Palilio, 32, Liason Officer.

Ang apat ay  inireklamo ng may 50 biktima na umano’y pinangakuan ng mga suspect na makapagtatrabaho  bilang nurse sa bansang Vienna Austria at London England na sasahod ng aabot sa  P75, 000.00

Nabatid na hiningan ng mga suspect ang bawat biktima ng P130,000 bilang placement fee at P5,500 para sa medical examination.

Sa pagnanais na maka­pagtrabaho sa ibang bansa, nagbigay ang apat na biktima ng  tig P25,000 noong Pebrero 2012 kung saan ipinangako ng mga suspect na makakaalis sila sa loob ng dalawang  buwan na hindi naman natupad hanggang sa lumipas ang isang taon.

Dala ng pagdududa agad na humingi ng  ayuda ang mga biktima  noong Pebrero 27 sa tanggapan ng Manila- Chapa at isinagawa ang entrapment operation laban sa mga suspect dakong ala 1 ng hapon sa Marhaba International Management Services Co.

CITY ORDINANCE

DENNIS ABELLON

DESK OFFICER

EMMA PALALON

GEMMA PALILIO

ILLEGAL RECRUITMENT

LARGE SCALE

LIASON OFFICER

MARHABA INTERNATIONAL MANAGEMENT SERVICES CO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with