Nanghalay ng grade 2 pupil, bugbog-sarado sa taumbayan
MANILA, Philippines - Bugbog-sarado sa taumbayan ang isang pahinante makaraan umanong halayin nito ang isang grade 2 pupil kamakalawa ng umaga sa Taguig City.
Nakakulong ngayon sa Taguig City Police ang suspect na si Sandy Champo, ng Scorpion St., Palar Village ng naturang lungsod makaraang ituro ng bikÂtimang itinago sa pangalang Bambi, 7-anyos.
Base sa pahayag ng biktima sa Barangay Security Force (BSF) ng Brgy. New Lower Bicutan, kasaluÂkuyan siyang natutulog sa inuupahang bahay nang pasukin siya at halayin ng suspect.
“Tinakot po niya ako (suspect) na papatayin daw niya ako pag nagsumbong ako sa mga magulang at kaninuman,†pahayag pa ng biktima.
Dakong alas-10:00 ng umaga nang dumaÂting ang ina ng biktima na umiiyak at nanginginig ang kanyang anak at nang kanyang tanungin ay umamin ito na sinabi niyang pinagsamantalahan siya ng suspect at tinakot.
Dali-dali naman nagsumbong ang ginang sa BSF kaya’t ginalugad ang mga lugar na posibleng pagtaguan ng suspect hanggang sa masukol sa C-5 MLQ Avenue, Purok I Barangay New Lower, Bicutan nang nasabing lungsod.
Nagtangka pa umanong tumakas ang suspect suÂbalit binugbog siya ng taumÂbayan at halos hindi makagulapay sa tindi ng bugbog na inabot nito.
Pagdating naman sa himpilan ng pulisya, itinanggi ng suspect ang sumbong ng biktima laban sa kanya, ngunit hindi umano pinaniwalaan naman ng mga awtoridad ang alegasyon ng huli at agad itong ikinulong sa kanilang himpilan.
- Latest






















