^

Metro

Nagalit sa biyenan: Lalaki hinostage ang ka-live-in, 5 anak

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang isang lalaki nang i-hostage nito ang kanyang live-in partner­ at ang lima nilang anak makaraang magalit ang una sa  kanyang  biyenang hilaw dahil lagi  umano siyang nilalait at minamaliit, kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.

Nakakulong ngayon sa Malabon City Police ang suspect na si David Collins Bell, alyas Tisoy, 38, ng Pascual St., Brgy.  San Agustin ng naturang  lungsod.

Kinilala naman ang biktimang si Mary Jane dela Peña, 46; at kanilang mga  anak  na  pawang ang mga edad na 14, 12,  9, 7 at 5-anyos. Ayon sa  pulisya, naganap ang insidente dakong  alas-12:30 ng mada­ling-araw sa loob ng bahay ng suspect at mga biktima sa Pascual St., Brgy. San Agustine nang dumating na lasing ang suspect  sa kanilang bahay at agad na pinagbuhatan ng kamay si  Dela Peña hanggang sa  isinagawa nito ang pag-hostage sa kanyang mag-iina.

Nagbanta pa ang suspect na  pasa­sabugin ang bahay  nito sa pama­magitan ng pagsindi ng LPG gas, na naging dahilan upang tumawag ng mga pulis ang mga kapitbahay.

Gayundin ay humingi rin ng tulong ang ina ng biktima na si Marieta dela Peña, 60, sa mga pulis. Nang respon­dehan ay nakakuha ito  ng pagkakataon ang mga pulis na asintahin ng de-kur­yenteng baril ang suspect  at maagaw ang LPG tank dakong ala-1:50 ng madaling-araw.

vuukle comment

BRGY

DAVID COLLINS BELL

DELA PE

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

MARY JANE

PASCUAL ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with