^

Metro

Sa QC at Valenzuela: 2 binata nagbaril sa sarili

Ricky Tulipat at Lordeth Bonilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang binata ang kapwa nagpa­tiwakal sa pamamagitan ng pagbaril sa kanilang sarili sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City at Valenzuela, ini­ulat kahapon.

Sa Quezon City, nagbaril sa sarili ang isang IT consultant na si Robb Roy Partisala, 35, na nakita na lamang walang buhay sa loob ng kanyang kuwarto dahil sa isang tama ng bala sa kaliwang dibdib na tumagos sa kanyang puso.

Natuklasan ang bangkay ng biktima dakong alas-7 ng gabi sa may Parkview Tower 2, Eastwood, Brgy. Libis sa lungsod.

Bago ang insidente, sabi ni Liza Dosano, girlfriend ng nasawi na nakatanggap siya ng text mula sa nobyo na nagbabanta na nais nitong magpakamatay, dahilan upang tumawag siya ng receptionist sa condominium upang tingnan ang biktima sa unit nito.

Agad namang nagtungo ang security personnel na si Emerson Dimasayao sa unit ni Partisala at kinatok pero walang sumasagot. Dahil dito, ipinasya ni Dimasayao at Dosano na hiramin sa building administration ang duplicate key ng unit ng biktima na doon bumulaga sa kanilang harapan ang duguang bangkay ng biktima malapit sa tapat ng kwarto nito.

Nabatid pa na nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang magkasintahan bago ang ginawang pagpapakamatay ni Partisala.

Samantala, matinding depression ang sinasabing dahilan kaya nagbaril din sa sarili si Allen Dave Aquino, 27,  ng M. Delos Reyes St.,  Brgy. General T. de Leon ng naturang lungsod.

Dakong alas-4:45 ng hapon nang matagpuan sa loob ng banyo ng bahay ang duguang si Aquino na naging dahilan upang dalhin ito sa nabanggit na ospital.

vuukle comment

ALLEN DAVE AQUINO

BRGY

DELOS REYES ST.

EMERSON DIMASAYAO

GENERAL T

LIZA DOSANO

PARKVIEW TOWER

PARTISALA

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with