^

Metro

Ordinansang magbabawal sa paggamit ng plastic advertisement at campaign materials, inaasahang maipapasa na sa QC

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaasa  si Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte na maipapasa na sa lalong madaling panahon ang panukalang batas sa QC council na naglalayong maipagbawal ang paggamit ng polyethylene plastic advertisement at propaganda materials partikular sa darating na May 2013 midterm election sa bansa.

Sa isang panayam, sinabi ni Belmonte na malaki  ang pakinabang na makukuha ng taumbayan sa panukalang ito kapag naisabatas dahilan sa maiiwasan na ang ganitong uri ng plastic na siyang pangunahing ugat ng pagbara ng mga drainage sa lansangan na nagiging sanhi ng pagbaha.

Pinasimulan kahapon ang  isang public hearing  sa QC Bulwagan Albert Hall sa QC hall na bumubusisi  sa panukalang ordinansa na pangunahing iniakda ni QC Councilor Dorothy Delarmente para maipaalam sa publiko ang kahalagahan at malaking pakinabang ng mamamayan sakaling maaprubahan ang panukalang maipagbawal ang paggamit ng polyethylene plastic sa lungsod hindi lamang ngayon panahon ng halalan kundi sa pangmatagalang panahon.

Sinabi ni Delarmente na ang naturang panukala ay bilang pagsuporta lamang sa naunang batas sa QC na iregulate ang paggamit ng plastic sa lungsod.

Kaugnay nito, sinabi ni Vice Mayor Belmonte na kung may ilang mga kandidato sa nalalapit na halalan ang nakapagpagawa na ng plastic campaign materials ay maaari pa naman nila itong magamit hanggat hindi pa ito naaaprubahan  ng konseho at hindi pa  napipirmahan ni QC Mayor Herbert Bautista.

 

BELMONTE

BULWAGAN ALBERT HALL

COUNCILOR DOROTHY DELARMENTE

DELARMENTE

KAUGNAY

MAYOR HERBERT BAUTISTA

PINASIMULAN

QUEZON CITY VICE MAYOR JOY BELMONTE

VICE MAYOR BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with