NPDC Director nakatanggap ng death threat mula sa illegal vendors
MANILA, Philippines - Nakatanggap umano ng mga pagbabanta si National Parks Development Committee (NPDC) Director Juliet Villegas mula sa mga illegal vendors.
Ito’y matapos umanong paalisin ang mga illegal na vendor sa Rizal Park ang may kagagawan ng death threat.
Nabatid na noong SaÂbado ng gabi ay personal na nagreport sa Luneta Police Community Precinct si NPDC Executive Director Juliet Villegas upang ipa-blotter ang natatanggap na death threat.
Pinagbantaan si Villegas na babatuhin sa oras na makita itong naglalakad sa Rizal Park at ipapapatay sakali namang tuluyang hindi makisama at hindi mapakiusapan.
Bagaman walang paÂngalan at hindi nagpapaÂkilala ang mga nagpapadala ng banta sa kanya, naniniwala ang opisyal na ang naturang mga banta sa kanyang buhay ay may kinalaman sa kanyang desisyon na tuluyang paalisin ngayong umaga (Lunes) ang mga illegal vendors.
Paliwanang ni Villegas na ang pagpapaalis sa ilang vendors ay dahil tatamaan ito ng pagsasaayos at pagpapaganda sa lugar na bahagi pa rin ng development program na ipinatutupad ng NPDC para sa pambansang parke o Luneta para naman sa kapakinabangan ng nakararami.
“Matagal na po namin silang sinabihan, maraÂming beses na pong nagkaroon ng dayalogo sa pagitan ng NPDC at mga vendors upang ilatag sa kanila ang plano sa naturang lugar na kanilang inaÂangkin, katunayan, nito lamang Biyernes ay kaharap ang Commission on Human Rights represenÂtatives, kapulisan at ang City GovernÂment of Manila. Ang lugar po na kanilang inaangkin ay pag-aari ng mamamayang Pilipino at hindi po ng iilan lamangÂ,†pahayag ni VillegasÂ.
- Latest