^

Metro

Korean nagbigti sa hotel

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 45-anyos na Korean national ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbi­bigti sa loob ng isang hotel sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng umaga.

Sa ulat ni SPO1 Mario Asilo ng Manila Police District-Homicide Section, may ilang oras nang patay ang biktimang si James Hueng, nang madiskubre sa loob ng Room 123 ng Luxury Hotel na matatagpuan sa 1014 Rizal Ave., Sta. Cruz, Maynila, dakong alas-7:20 ng umaga.

Nabatid na nag-check-in ang biktima sa nasabing hotel dakong alas-5:00 kama­kalawa ng hapon para sa 12-oras na pamamalagi.

Nakita pa ang biktima na lumabas ng kanyang silid dakong alas-3:00 ng madaling-araw bagamat maya-maya ay pumasok muli sa kanyang unit.

Dakong alas-5:00 ng madaling-araw ay sinubukang ka­tukin ang biktima para sa oras ng check-out nito subalit hindi na sumasagot  kaya ginamitan ng duplicate key ng hotel staff kung saan natuklasang nagbigti ito.

Isang itim na nylon cord na isinabit sa grilling ng exhaust fan ang ginamit sa pagbibigti. Walang nakitang pasaporte sa gamit ng biktima.

CRUZ

DAKONG

ISANG

JAMES HUENG

LUXURY HOTEL

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARIO ASILO

MAYNILA

RIZAL AVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with