^

Metro

Taxi driver, huli sa ‘carnap me’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalaboso ang isang  43-ayos na taxi driver  nang mabuko ng mga awtoridad na pawang kasinungalingan ang mga ibinigay na impormasyon sa kanyang reklamong nakarnap ang minamanehong taxi  sa Sta. Mesa, Maynila.

Ayon kay Senior Inspector Rizalino Ibay, hepe ng Anti-Carnapping (ANCAR), ikinulong nila ang suspect na si Renato Brinquez, ng Cupang, Antipolo City matapos matunton ang sinasabing nakarnap na taxi (UVR 974) na ang operator ay isang Alma Mirano.

Nabatid na nagreklamo ang driver/suspect kahapon, dakong alas-2:00 ng madaling-araw  dahil sa pagtangay sa kanyang taxi ng dalawang lalaki, dakong alas-9:00 ng gabi kamakalawa.

Base sa kuwento ng driver na suspect, sumakay umano ang dalawang lalaki sa bahagi ng Sta. Mesa subalit pagdating sa kanto ng Domingo Santiago at G. Tuazon Sts.  ay nag­deklara ang mga ito ng holdap. Pinaupo umano siya sa likuran habang katabi ang isa sa suspect na may nakatutok sa kanyang baril at isa ang nagmaneho.

Nakatalon lamang umano siya kaya naka­takas, resulta umano ang kanyang sugat sa tuhod. Subalit sa isinagawang follow-up operation, natunton ang taxi at nadiskubreng ipinarada nito sa Blumentritt, panulukan ng G. Tuazon Sts. alas-8:30 pa lamang ng gabi, 30 minuto bago ang sinasabing pagtangay.

Maliban  pa rito, ang resulta ng medical examination sa sinasabi nitong sugat sa tuhod ay luma at hindi tugma sa sinabing nasugatan dahil sa pagtalon sa taxi.

Kasong perjury ang isinampang kaso laban kay Brinquez habang qualified theft naman ang isinampa ng kanyang operator.

ALMA MIRANO

ANTI-CARNAPPING

ANTIPOLO CITY

AYON

BLUMENTRITT

DOMINGO SANTIAGO

RENATO BRINQUEZ

SENIOR INSPECTOR RIZALINO IBAY

TUAZON STS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with