^

Metro

Dating Manila Film Center nasunog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasunog ang Philippine Theater Amazing Show (dating Manila Film Center) sa may CCP Complex sa Pasay City, kamakalawa ng gabi.

Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection, dakong alas-7:00 ng gabi ng sumiklab ang apoy sa ikatlong palapag ng gusali na may apat na palapag. Tinangkang apulahin ito ng mga naka-duty na guwardya at tauhan ngunit hindi kinaya ng mga fire ex­tinguisher sanhi upang kumalat ang apoy.

Nabatid na umabot sa ika­limang alarma ang sunog bago tuluyang naideklarang fire-out dakong alas-9:16 ng gabi.

Sa inisyal na imbestigas­yon ni Fire Officer 2 Alona Leo­noso ng Pasay City Fire Department bandang alas-6:35 ng gabi ng madiskubre ni Casi Villarosa, presidente at may-ari ng Amazing Show Philippine ang pagsiklab ng apoy sa loob ng kanyang opisina sa ikatlong palapag.

Wala naman naiulat na nasawi at nasugatan sa mga performers dahil sa mabilis na nakalabas ang mga ito sa ginawang evacuation sa gusali.

Nabatid na dalawang bumbero naman ang nasugatan sa insidente at agad na isinugod sa pagamutan.

Matatandaan na noong nakalipas na Disyembre, da­lawang obrero  na gumagawa sa gusali ang malubhang na­sugatan makaraang malaglag sa tinutuntungang andamyo.

vuukle comment

ALONA LEO

AMAZING SHOW PHILIPPINE

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CASI VILLAROSA

FIRE OFFICER

MANILA FILM CENTER

NABATID

PASAY CITY

PASAY CITY FIRE DEPARTMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with