^

Metro

Trader, driver sugatan sa 2 armado

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kapwa sugatan ang isang negosyante at driver nito nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga suspect  sa Caloocan City  kamakalawa ng gabi. Ginagamot sa Chinese General Hospital sanhi ng tama ng bala ang mga biktimang si Jason Ang, 50, may- ari ng Jalby Refinishing Plastic Services sa 6th St., Grace Park ng naturang  lungsod at ang driver nitong si Rodel Mirasol, 37. Lumalabas  sa  imbestigasyon ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong  alas-6:00  ng gabi malapit sa bahay ng biktimang si Ang habang inaayos ng negosyante ang kanilang van kasama ang isang nagngangalang Rogelio Capagalan, 43, nang dumating ang mga suspect.

Kaagad na tinutukan ng mga ito ang mag-amo ng kalibre .45 baril, subalit naagapan at natapik ni Ang ang baril, ngunit pumutok ito na naging dahilan upang tamaan ito. Nagawang akapin ni Mirasol ang gunman at nagpambuno ang mga ito, na naging dahilan upang masugatan sa braso ang una. Nang lalapit ang isa pang suspek ay nadamba at naagaw ni Capagalan  ang hawak nitong kalibre .38 baril,  na naging dahilan upang magsitakas ang mga suspect  at naiwan ang isang  Rusi Motorcycle na walang plaka.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CHINESE GENERAL HOSPITAL

GRACE PARK

JALBY REFINISHING PLASTIC SERVICES

JASON ANG

RODEL MIRASOL

ROGELIO CAPAGALAN

RUSI MOTORCYCLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with