^

Metro

Kawani ng mall kalaboso sa ininom na P17.50 juice

The Phil. Star News Service - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa ininom na apple juice na nagkakahalaga ng P17.50 ay rehas na bakal ang binagsakan ng 20-anyos na kawani ng mall matapos ares­tuhin ng security guard sa Mandalu­yong City noong Sabado ng gabi.

Hindi naman pina­kinggan ang paghingi ng tawad sa pamunuan ng mall bagkus ay ipinakulong ang suspek  na si Raymart de los Reyes, mall maintenance at nakatira sa Midway Park Subd., Caloocan City.

Ayon sa mall representative na si Ramon Palarca, kinuha ng suspek ang iced tea juice mula sa display rack kung saan hindi dumiretso sa cashier para magbayad kundi nagtungo sa electrical room at ininom ang nasabing juice.

Lingid sa suspek ay sinundan siya ng security guard na si Emil Mendoza at ki­nompronta sa kanyang ginawa.

Naintindihan naman ni Mendoza ang paliwanag ng suspek na nauuhaw siya kaya nagawang inumin ang juice subalit kaila­ngang ipagbigay-alam sa kan­yang bisor para sa kaukulang disposisyon.

vuukle comment

AYON

CALOOCAN CITY

DAHIL

EMIL MENDOZA

LINGID

MANDALU

MENDOZA

MIDWAY PARK SUBD

RAMON PALARCA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with