Estrada, Lim pumirma sa peace covenant
MANILA, Philippines - Dapat na maging magandang halimbawa ang Maynila para sa buong bansa sa isang maayos, malinis at credible na halalan.
Ito ang naging mensahe kahapon ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes sa pagdalo nito sa idinaos na signing of peace covenant sa Manila Police District headquarters sa UN Avenue, Maynila sa pagitan ng mga lokal na kandidato ng lungsod.
Kapwa nanguna sa pagpirma ang magkatunggali na tatakbo sa pagka-mayor sa Maynila na sina dating PaÂngulong Joseph Estrada at kasalukuyang Mayor Alfredo S. Lim.
Maaga ring dumating si Brillantes at si Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) chair Henrietta de Villa.
Nakasaad sa nilagdaang kasunduan na hindi gagawa ng labag sa Comelec rules ngayong halalan lalo na sa panuÂnuhol, dayaan, karahasan, pananakot, at iba pang uri ng krimen at paglabag sa batas para lamang makakuha ng maraming boto.
- Latest