^

Metro

Truck salpok sa truck: 1 patay, 2 sugatan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang driver, habang dalawa pa ang sugatan matapos na mawalan  ng kontrol ang minamaneho nitong truck dulot ng madulas na kalsada at sumalpok sa isa pang truck sa lungsod Quezon, kahapon.

Kinilala ang biktima na si Jorge dela Cruz, 28, driver ng Isuzu truck (RFM-226) at residente ng Nueva Ecija. Habang ang mga sugatang helper ni Dela Cruz ay kinilalang sina Arfie Yabut, 18, at JR Enriquez, 18, kapwa taga-Pampanga.

Si Dela Cruz ay agad na nasawi sa insidente na nangyari ganap na alas-4:15 ng umaga sa may C.P. Garcia St. malapit sa Maginhawa St., Brgy. U.P. Campus.

Si Dela Cruz ay naipit sa mismong driver’s seat ng kanyang truck makaraang sumalpok sa gawing tagiliran ng trailer truck na minamaneho naman ni Armando Macapagal, 46.

Sinasabing tinatahak ni Dela Cruz  ang  C.P. Garcia patungong University Avenue nang maganap ang insidente.

Naniniwala ang pulisya na matulin ang pagpapatakbo ni Dela Cruz  kung saan madulas ang kalsada dahil sa bahagyang pag-ambon hanggang sa mawalan ng preno.

Tumawid ang truck sa kabilang linya at sumalpok sa minamanehong truck ni Macapagal. Dahil sa impact, naipit sa driver’s seat si Dela Cruz.

vuukle comment

ARFIE YABUT

ARMANDO MACAPAGAL

CRUZ

DELA

DELA CRUZ

GARCIA ST.

MAGINHAWA ST.

NUEVA ECIJA

SI DELA CRUZ

TRUCK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with