^

Metro

Anomalya sa PHALTRA, tapusin na – Endriga

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tapusin na ang ano­malya sa Philippine Associa­tion of Local Treasurers and Assessors, Inc. (PHALTRA)!

Ito ang panawagan ni dating PHALTRA president Dr. Victor Endriga sa lahat ng miyembro nito sa buong bansa kasunod ng nalalapit na eleksiyon para sa bagong opisyales nito sa darating na Pebrero 19, 2013 sa Philippine International Convention Center (PICC).

Ani Endriga, mula nang pamunuan ni Nestor Quiam­­bao ang PHALTRA ay nagutom na sa benepisyo ang mga miyembro nito gaya ng paggamit sa punong tang­gapan ng PHALTRA.

Bukod dito, binastos umano ni Quiambao ang Saligang Batas ng PHALTRA nang iligal na amyen­dahan nito ang probisyon patungkol sa eleksiyon na hindi aprubado ng kabuuang miyembro upang maging kwalipikado muli itong tumakbo bilang pa­ngulo.

Nabatid na ang matagal nang inaasam-asam ng PHALTRA na sariling opisina sa loob ng pitong de­kada ay naitayo sa ilalim ng pamumuno ni Endriga bilang pagtupad sa kanyang pangako.

Sa gusaling ito ginagawa noon ang iba’t ibang pagsasanay ng lahat ng mi­yembro ng PHALTRA pa­tungkol sa epektibong pag­­kolekta ng buwis su­balit ginawang bahay na lamang ng Pamilya Quiambao sa loob ng apat na taon na wala man lamang binabayaran sa asosasyon.

vuukle comment

ANI ENDRIGA

DR. VICTOR ENDRIGA

LOCAL TREASURERS AND ASSESSORS

NESTOR QUIAM

PAMILYA QUIAMBAO

PHALTRA

PHILIPPINE ASSOCIA

PHILIPPINE INTERNATIONAL CONVENTION CENTER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with